Sa 'di inaasahang pagkakataon
Isang ordinaryong araw lang iyon. Walang bago, walang kakaiba. Tulad ng dati, naupo ako sa sa sulok ng paborito kong kapihan. Ang amoy ng bagong giling na kape ay parang yakap sa gitna ng araw na abala. Isang cup ng americano, lofi music sa background, at ang paborito kong libro—para sa akin ay hindi espesyal at karaniwang eksena. Hanggang sa pumasok ka na naman sa pinto. At sa unang pagkakataon, nagkatinginan tayo. Noong isang araw, isang sulyap lang, tapos na. Pero ngayon, napansin kong ngumingiti ka na. May kaunting laro na sa iyong mga mata, na para bang naisip mong hinihintay kita. Pagkakuha mo sa order mo, doon ka naupo sa mesang katapat ng akin. Pareho lang naman ang kwento ng mga araw natin. Ordinaryo at walang bagong hain. Pero sa pagtatagpo ng ating mga paningin, parang may nabago sa ihip ng hangin. Humigop ako ng kape, sa pag-asang masapawan ang kabang hindi ko alam kung saan galing. Marahil ay hatid ng bawat galaw mo at bawat pagkuha ng tasa. At nang mapatingin tayo sa ...